Gob. Dolor, nagbigay-inpirasyon sa mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Bayan ng Sablayan, OcciMin.

March 24, 2026 | News by PISD

๐—š๐—ผ๐—ฏ. ๐——๐—ผ๐—น๐—ผ๐—ฟ, ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†-๐—ถ๐—ป๐˜€๐—ฝ๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ฏ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป, ๐—ข๐—ฐ๐—ฐ๐—ถ๐— ๐—ถ๐—ป.

24 Marso 2026, Lungsod ng Calapan โ€“ Paglalatag ng mga planong nakasentro sa tunay na pangangailangan ng mga mamamayan at magbibigay ng higit na kaunlaran sa bayan.

Ito ang sentro ng mensaheng iniwan ni MIMAROPA Regional Development Council (RDC) Chairperson at Luzon Regional Development Committee (RDCom) Co-Chairperson Governor Humerlito โ€œBonzโ€ A. Dolor sa 75 mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro.

Sa pangunguna ni Mayor Walter Marquez at Vice Mayor Edwin Mintu, kasama ang mga Sangguniang Bayan Members at mga kawani ng ibaโ€™t ibang tanggapan ng Sablayan LGU, isinagawa ang kanilang apat na araw na 2027 GAD Plan & Budget at 2027 Annual Investment Program Formulation Workshop sa Oriental Mindoro mula ika-22 hanggang ika-25 ng Marso.

Dito, binigyang-diin din ng Gobernador ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang lider na may takot sa Diyos sa pagtitiyak na ang bawat gawain, programa at proyektong ipatutupad ay tunay na isusulong, hindi para sa sariling kapakinabangan, kundi sa higit na ikabubuti ng bayan at mga mamamayan nito.

Ibinigay naman ng mga opisyal ng nasabing bayan ang isang resolusyong naglalaman ng pagkilala kay Gob. Dolor at acorn pipe ng tribung Tau-Buid Mangyan mula sa kanilang lalawigan bilang pasasalamat at pagkilala sa inspirasyong hatid ng Gobernador sa kanilang bayan at sa kaniyang natatanging kontribusyon para sa MIMAROPA.

Gayundin, kaloob ng Gobernador sa kanila ang regalo mula sa Pamahalaang Panlalawigan bilang pagtanggap at pasasalamat sa kanilang pagbisita sa lalawigan.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/187y9SemPn/

Scroll to Top