Consultative Meeting para sa edukasyon ng mga kooperatiba, isinagawa

March 24, 2026 | News by PISD

𝐂𝐨𝐧𝐬𝐮𝐥𝐭𝐚𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐌𝐞𝐞𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐄𝐝𝐮𝐤𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐊𝐨𝐨𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐛𝐚, 𝐈𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚

24 Marso 2026, Calapan City – Isinagawa ang Consultative Meeting para sa Education and Training Committee sa Tamaraw Hall ng Kapitolyo ngayong araw.

Pinangunahan ito ng Provincial Cooperative Development Office na pinamumunuan ni PGDH-PCDO Orlando B. Tizon na dinaluhan ng 78 na kalahok mula sa unang distrito, na kinabibilangan ng mga kinatawan at opisyal ng iba’t ibang kooperatiba.

Layunin ng consultative meeting na talakayin at pagplanuhan ang mga programang pang-edukasyon at pagsasanay na makatutulong sa pagpapaunlad ng kakayahan ng mga myembro at opisyal ng mga kooperatiba sa lalawigan.

Dumalo rin sa nasabing programa ang mga kinatawan mula Municipal Cooperative Delevepment Office (CDO) ng Naujan, Victoria, San Teodoro at Baco.

Bahagi ito ng dalawang araw na aktibidad. Ang ikalawang araw ng pagpupulong ay gaganapin sa Capitol in the South sa ika-25 ng Marso, kung saan lalahok naman ang mga kinatawan ng mga kooperatiba mula sa mga bayan sa ikalawang distrito.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1KqvEoNgQ9/

Scroll to Top