Pamahalaang Bayan ng Sablayan, OcciMin. nagsagawa ng 2027 GAD Plan and Budget at 2027 AIP Formulation Workshop sa OrMin.

March 23, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Kasalukuyang ginaganap sa Oriental Mindoro ang ikalawang araw ng 2027 GAD Plan and Budget at 2027 Annual Investment Program (AIP) Formulation Workshop ng Pamahalaang Bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro.

Sa pangunguna nina Mayor Walter Marquez at Vice Mayor Edwin Mintu, isinasagawa ito sa ATI-MIMAROPA, Barcenaga, Naujan.

Layunin ng gawain na pag-aralan ang mga prayoridad na programang paglalaanan ng pondo para sa susunod na taon na higit pang magsusulong ng Gender and Development at magbibigay ng mas mabuting serbisyo at kapakinabangan sa mga residente ng nasabing bayan.

Abangan ang buong detalye ng balita.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1E8ZvHmeNb/

Scroll to Top