LGU Roxas, bumisita sa PGOM para sa Benchmarking sa HRIS at Payroll System

March 23, 2026 | News by PISD

Bumisita ang LGU Roxas sa PGOM para sa Benchmarking sa HRIS at Payroll System.

Bumisita ang Lokal na Pamahalaan ng Roxas, sa pangunguna ni HRMO Ma. Agnes Manahan Paraoan kasama ang kanyang pangkat, sa Provincial Government of Oriental Mindoro (PGOM) noong ika 19 ng Marso upang magsagawa ng benchmarking hinggil sa paggamit ng Human Resource Information System (HRIS).

Layunin ng nasabing pagbisita na pag aralan ang epektibo at episyenteng implementasyon ng HRIS sa PGOM, partikular sa daloy ng payroll at iba pang proseso na isinasaayos sa pamamagitan ng isang sentralisadong sistema. Ipinakita sa delegasyon kung paano napapabilis ang mga transaksyon, nababawasan ang manual na trabaho, at napapanatili ang katumpakan ng datos sa pamamagitan ng digital na pamamahala ng impormasyon.

Mainit na tinanggap ang grupo ng Roxas ng Head ng PHRMO na si Ms. Anna Marie DC. Reyes, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman at karanasan ng tanggapan sa pagpapatupad ng HRIS. Nakiisa rin sa presentasyon ang Head ng Management Information System (MIS) na si Information Technology Officer II Reywel M. Dela Roca, na nagbigay ng teknikal na paliwanag ukol sa sistema at sa integrasyon nito sa iba pang proseso ng pamahalaan.

Sa kabuuan, itinampok ng benchmarking activity ang kahalagahan ng makabagong teknolohiya sa pagpapabuti ng serbisyo publiko, kung saan ang paggamit ng HRIS ay nagdudulot ng mas mabilis, maaasahan, at sistematikong pamamahala ng human resources.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1CrxaZshsr/

Scroll to Top