March 22, 2026 | News by PISD

22 Marso 2026, Mansalay – Umabot sa 835 na estudyante sa bayan ng Mansalay ang tumanggap ng ₱5,000 educational assistance sa ilalim ng Provincial Educational Assistance Program (PEAP) ngayong araw.
Pinangunahan ni Governor Humerlito “Bonz” A. Dolor ang pamamahagi ng tulong-pinansyal katuwang si PPES Officer Antonio M. Magnaye, Jr., kasama ang Municipal PESO ng Mansalay, Mansalay Information Office, at MDRRMO.
Dumalo rin sa programa sina First Lady Hiyas Govinda Ramos-Dolor, Mayor Ferdinand Maliwanag, at Bokal Atty. Roland Ruga bilang suporta sa mga benepisyaryong mag-aaral.
Karamihan sa mga nakatanggap ng tulong ay mula sa Indigenous Peoples (IP) communities sa bayan.
