March 19, 2026 | News by PISD

𝗣𝗮𝗻𝗹𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝘁𝗶𝘁𝗶𝗽𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗹𝘂𝘀𝘂𝗴𝗮𝗻 𝗶𝘀𝗶𝗻𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮;
𝗗𝗶𝗿𝗲𝗸𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝗹𝘂𝘀𝘂𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻, 𝗶𝗻𝗶𝗹𝗮𝘁𝗮𝗴
19 Marso 2026, Lungsod ng Calapan – Ang pag-isahin ang mga hakbangin at istratehiya ng iba’t ibang health stakeholders para sa mas maayos na pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan sa lalawigan.
Ito ang naging layunin ng isinagawang 2026 Panlalawigang Pagtitipon sa Kalusugan ng Oriental Mindoro na pinangunahan ng Provincial Health Office (PHO), sa ilalim ng pamumuno ni Provincial Health Officer II Dr. Cielo Angela A. Ante, na ginanap sa Oriental Mindoro Heritage Museum ngayong araw.
Ayon kay PHO II Ante, madaling makakamit ang target na health outcomes ng lalawigan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng pamahalaan, komunidad at iba’t ibang stakeholders.
Iprinesenta sa naturang gawain ang mga programang nagbibigay ng natatanging pagkilala sa mga naging kontribusyon ng mga healthcare workers, institusyon, at iba pang stakeholders upang mapabuti ang antas ng kalusugan sa lalawigan.
Ang Oriental Mindoro Gawad Kalusugan 2026, Selyo ng Kahusayan: Malusog na Barangay, Lakas ng buong Lalawigan, at ang 2026 Oriental Mindoro Health Excellence Awards.
Dumalo na sabing aktibidad ang mga Municipal Health Officers (MHOs), mga kinatawan mula sa Department of Health (DOH), Association of Barangay Councils President, Sangguniang Kabataan Federation Presidents, Barangay Health Workers, Barangay Nutrition Scholars, DepEd Oriental Mindoro and Calapan City Division, Oriental Mindoro Motorcycle Riders Federation (OMMRF), Lingkod LBTQIA+ Association of Calapan City (LILAC), Divine Word College of Calapan, Inc. at iba pang mga katuwang na ahensya.
Nakiisa rin sa gawaing ito sina Provincial Administrator Atty. Earl Ligorio R. Turano II, Provincial DOH Officer Dr. Ramon C. Bombais at iba pang kinatawan mula sa DOH.
