Diwa ng Kultura at Pagkakaisa, ipinamalas sa Sulyog Festival

March 19, 2026 | News by PISD

Diwa ng Kultura at Pagkakaisa, ipinamalas sa Sulyog Festival

19 Marso 2026, Bongabong – Buhay na buhay ang diwa ng kultura at pagkakaisa sa pagdiriwang ng Sulyog Festival sa bayan ng Bongabong.

Tampok sa selebrasyon ang makukulay na kasuotan, kahanga-hangang galaw sa street-dancing sa mga pangunahing lansangan, at ang in-place competition sa Eastern Mindoro College.

Ang Sulyog Festival ay pagtatanghal ng papuri at pasasalamat ng mga mamamayan ng Bongabong sa masaganang ani ng saging at niyog na pangunahing produkto ng bayan. Simbolo ito ng lakas ng kanilang pananampalataya, pagkakakilanlan at patuloy na pagmamalaki sa kanilang kultura.

Sa pagdalo ni Governor Bonz Dolor sa okasyon, nagpahayag siya ng matibay at buong suporta sa mga mamamayan ng Bongabong.

Nagkaloob si Gob Dolor ng Php1M para unang dalawang contingents, ang Dayhagan National High School (DNHS) at Morente NHS (MNHS) samantalang 6-classrom project para sa Mindoro State University (MinSU) – Bongabong Campus.

Nagkampeyon dito ang DNHS at tumanggap ng P110,000 premyo mula sa Pamahalaang Bayan, pumangalawa ang MNHS na tumanggap ng P100,000 samantalang pumangatlo ang MinSU-Bongabong Campus na nagkamit ng P90,000 premyo.

Samantala, maliban kay Gob. Dolor, Bongabong Mayor Mike Malaluan at Vice-Mayor Jason Barcelona. Personal din itong sinaksihan ni Senator Mark Villar, Sanggnuiang Panlalawigan 2nd District Board Member Roland Ruga at mga myembro ng Sangguniang Bayan.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1AmTEQYJoA/

Scroll to Top