March 18, 2026 | News by PISD

๐ฃ๐ต๐ฝ๐ฏ.๐ฑ๐ ๐ป๐ฎ ๐ ๐๐น๐๐ถ-๐ฝ๐๐ฟ๐ฝ๐ผ๐๐ฒ ๐๐๐ถ๐น๐ฑ๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐๐ฟ๐ด๐. ๐ฆ๐ถ๐น๐ผ๐ป๐ฎ๐, ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป, ๐ฏ๐๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ
18 Marso 2026, Lungsod ng Calapan – Handa nang magserbisyo sa mga residente ang Pamahalaang Barangay ng Silonay sa kanilang bagong Multi-Purpose Building na kaloob ng Pamahalaang Panlalawigan.
Sa pangunguna ni Gobernador Humerlito โBonzโ A. Dolor, opisyal nang pinasinayaan ang Php3.5M na gusali na sinimulang itayo noong 2025 at natapos Pebrero ngayong taon.
Lubos naman ang pasasalamat ni Punong Barangay Francisco Cleofe Fortu sa Pamahalaang Panlalawigan at kay Gob. Dolor sa natanggap nilang mahalagang proyekto.
Aniya, magsisilbi itong bagong Barangay Hall para sa mga kawani ng Pamahalaang Barangay ng Silonay upang mas mapagbuti pa ang pagbibigay ng serbisyo para sa kanilang mga residente.
Tiniyak naman ni Gob. Dolor ang pagbibigay ng iba pang gamit para sa nasabing gusali tulad ng mga upuan at lamesa upang hindi na mahirapan ang mga kawani na maghanap ng pondo para sa mga ito.
Dumalo naman sa gawain ang mga kawani ng Provincial Engineerโs Office.
