Mga atleta ng mga pribadong paaralan, lumahok sa PRISAA MIMAROPA Regional Games 2026

March 18, 2026 | News by PISD

๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—ฎ๐˜๐—น๐—ฒ๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฟ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—œ๐— ๐—”๐—ฅ๐—ข๐—ฃ๐—”, ๐—น๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—” ๐— ๐—œ๐— ๐—”๐—ฅ๐—ข๐—ฃ๐—” ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—š๐—ฎ๐—บ๐—ฒ๐˜€ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

18 Marso 2026, Lungsod ng Calapan – Nagtipon ang mga atleta mula sa mga pribadong paaralan sa MIMAROPA sa pagbubukas ng Private Schools Athletic Association (PRISAA) MIMAROPA Regional Games 2026 na ginanap sa Divine Word College of Calapan, Inc.

Tema ngayong taon ang โ€œInspiring Countryโ€™s Inclusive Grassroots Sports Program as a Pathway to the Olympicsโ€, kung saan maglalaban-laban ang mga 21 paaralan na hinati sa limang clusters.

Naging pangunahing tagapagsalita sa programa si Gobernador Humerlito โ€œBonzโ€ A. Dolor na nagbigay inspirasyon sa mga kabataan na panatilihin ang pagiging disiplinadong mga atleta sa ibaโ€™t ibang palarong kanilang lalahukan.

Nagbigay rin ang Ama ng lalawigan ng Php150,000.00 sa Cluster administrators na hahatiin alinsunod sa pagkakasunod-sunod ng mga magwawaging clusters:

โœจChampion โ€“ Php50,000.00

โœจFirst Placer โ€“ Php40,000.00

โœจSecond Placer โ€“ Php30,000.00

โœจThird Placer โ€“ Php20,000.00

โœจFourth Placer โ€“ Php10,000.00

Bukod dito, ipinag-utos din ng Gobernador ang pagpapalista ng pangalan ng mga manlalarong Oriental Mindoreรฑo para sa pagbibigay sa kanila ng educational assistance mula sa Pamahalaang Panlalawigan.

Aniya pa, libreng magagamit ng mga atleta ang Sentrong Pangkabataan para sa kanilang tutuluyan at ang Sports Complex bilang lugar na paggaganapan ng ibang mga palaro.

Katuwang naman sa programa ang Governorโ€™s Office-Special Concerns Division (GO-SCD) na pinamumunuan ni GO-SCD Officer Junielo Alcuran. Dumalo rin dito si Sangguniang Panlalawigan Board Member Anthony Yap.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1BoLNhcsNg/

Scroll to Top