Malalim na pagpapahalaga sa kultura, kasaysayan, at relihiyon tampok sa Governor’s Night

March 18, 2026 | News by PISD

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—บ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ, ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜†๐˜€๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป, ๐—ฎ๐˜ ๐—ฟ๐—ฒ๐—น๐—ถ๐—ต๐—ถ๐˜†๐—ผ๐—ป ๐˜๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ผ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐—š๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ผ๐—ฟโ€™๐˜€ ๐—ก๐—ถ๐—ด๐—ต๐˜

18 Marso 2026, Lungsod ng Calapan – Isang gabing puno ng pagpapahalaga sa yaman ng kultura, kasaysayan, at relihiyon.

Ito ang tampok sa Governorโ€™s Night para sa 11th International Conference ng Philippine Association for the Study of Culture, History and Religion na ginanap sa Ballroom Hall ng Oriental Mindoro Heritage Museum.

Pinangunahan ni Gobernador Bonz Dolor ang programa bilang kinatawan ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pakikipag-ugnayan sa Divine Word College of Calapan, Inc.

Layunin nito na bigyang pagpapahalaga ang malaking kontribusyon ng edukasyon sa pagpapanatili at pagtataguyod ng kultura, kasaysayan, at relihiyon na tatak ng bansa at lalawigan.

Nagtanghal ng ibaโ€™t ibang kultural na sayaw ang Bu-aywa Folkloric Dance Troupe ng Oriental Mindoro National High School.

Dinaluhan ito ng mga mananaliksik, guro, cultural advocates, at mga mag-aaral mula sa ibaโ€™t ibang institusyon sa bansa.

Kabilang dito ang mga kinatawan mula sa India, Indonesia, University of St. Louis sa Tuguegarao, Apayao State College, De La Salle University-Dasmariรฑas, at iba pa.

Katuwang naman sa gawain ang mga kawani ng Provincial Tourism Office na pinangangasiwaan ni Provincial Tourism Officer Dr. Dhon Stepherson Calda.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1BqURpJcB9/

Scroll to Top