Lima, arestado sa iligal na pagmimina sa lalawigan

March 18, 2026 | News by PISD

𝗟𝗶𝗺𝗮, 𝗮𝗿𝗲𝘀𝘁𝗮𝗱𝗼 𝘀𝗮 𝗶𝗹𝗶𝗴𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗺𝗶𝗺𝗶𝗻𝗮 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻

Arestado ang limang (5) indibidwal na naaktuhang iligal na nagmimina sa isinagawang operasyon ng mga kapulisan sa dalawang mga bayan sa lalawigan.

Batay sa naging ulat ni PLTCOL Romeo L. Plaida Jr. ng Oriental Mindoro Police Provincial Office (ORMIN PPO), nahuli ang mga suspek sa dalawang magkakasunod na operasyon sa mga bayan ng San Teodoro at Puerto Galera.

Kabilang sa mga kinilalang naaresto na sasampahan ng mga kaukulang kaso sina Donn Albert P. De Leon, Glen Reagan Paul C. Albay, Ronald B. Tapel, Reynante M. Sumawang, at Jherome B. Flores.

Ang ulat na ito ay inilahad ni PLTCOL Plaida sa isinagawang First Quarter joint council meeting ng Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC), Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) at Enhance Comprehensive Local Integration Program (ECLIP).

Bahagi ito ng mas pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa mga iligal na gawain na maaaring magdulot ng pinsala sa kalikasan at panganib sa komunidad.

#thecapitolnews

Photo courtesy: Oriental Mindoro PPO

Source: https://www.facebook.com/share/p/1ZSdD2AFpK/

Scroll to Top