March 18, 2026 | News by PISD

๐๐ฆ๐ข ๐ช๐ผ๐บ๐ฒ๐ปโ๐ ๐๐ฎ๐ถ๐ฟ ๐ถ๐ป๐ถ๐น๐๐ป๐๐ฎ๐ฑ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ฝ๐ถ๐๐ผ๐น๐๐ผ
18 Marso 2026, Lungsod ng Calapan โ Pinasimulan na ang dalawang araw na Civil Society Organizations (CSOs) Womenโs Fair sa Mangyan Hall sa Kapitolyo ngayong araw, na bahagi pa rin ng pagdiriwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Women’s Month ngayong buwan ng Marso.
Tampok sa Mini Trade Fair ang ibaโt ibang lokal na produktong gawa ng mga samahan at organisasyon ng mga kababaihan sa buong lalawigan.
Pinasalamatan ni CSO Desk Officer at PGFPS โ TWG Chairperson Atty. Jean Phebie G. De Mesa ang ibaโt ibang samahan at organisasyon gayundin ang mga hepe at kawani ng Kapitolyo na nakiisa at sumuporta sa naturang gawain.
Sa kaniyang mensahe ni binigyang diin ni Provincial Social Welfare and Development Officer Zarah C. Magboo na ang pagdiriwang ng Womenโs Month ay hindi nanagangahulugan na inaapakan ang mga kalalakihan. Ito, aniya, ay promosyon ng kung ano mayroon ang mga babae at lalong higit ang pagpapalakas at pagyakap sa mayroon silang galing at talino.
Nagbigay rin ng kanilang mensahe ng pagsuporta sa gawain sina PCDO Project Development Officer IV Romeo Paner, GO-PISD Acting Division Head Beverly Nartea-Aguila at Social Welfare Officer II Geraldine Roldan.
Nakiisa sa trade fair ang mga sumusunod na samahan at kooperatiba:
โข Gloria Sustainable Agriculture Association;
โข Mindoro Dairy Cooperative;
โข Samahang Pangkabuhayan ng Taga Dulangan;
โข Mayabig Baco Agriculture Cooperative;
โข Balatasan Weavers Association;
โข SNLPP;
โข Mahabang Parang Reform Agrarian Cooperative;
โข Maluanluan Agriculture Cooperative;
โข Roxas Market MPC;
โข Pakyas Association of Rural Improvement Club, Inc.;
โข Kasagpi Producers Cooperative;
โข San Juan Rural Improvement Club;
โข Samahang KapitBisig ng Happy Valley; at
โข Cacawan Sinag Agriculture Cooperative.
Samantala, ilan lamang sa mga lokal na produktong mabibili sa trade fair ang calamansi juice, bagoong, chili garlic sauce, daily milk products, oyster mushroom chips, banana chips at iba pang mga organikong produkto.
Ang CSO trade fair ay bukas sa publiko mula 9:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon at tatagal hanggang Marso 19.
Ito ay pinangasiwaan ng Provincial CSO Desk Office sa pakikipagtuwang sa Provincial Cooperative Development Office.
