March 18, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Tinipon ng Cooperative Development Authority (CDA) – MIMAROPA ngayong ika-18 ng Marso sa Tamaraw Hall ng Kapitolyo ang mga kabataang kabilang sa laboratory cooperatives at nais maging bahagi nito upang turuang mag-impok, mag-budget at gumasta nang tama.
Ngayong Global Money Week, 40 mga kabataan mula sa lalawigan ng Oriental at Occidental Mindoro, at Romblon na edad 17 pababa ang sumailalim sa Smart Money Talks ng CDA-MIMAROPA sa pangunguna ni CDA Regional Director Alberto A. Sabarias.
Layunin ng gawaing ito na isulong ang financial literacy ng mga kabataan upang maging responsableng mamamayan pagdating sa usaping pinansyal.
Source: https://www.facebook.com/share/p/1CbtvnGZaf/?mibextid=wwXIfr
