March 17, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Kasalukuyang nagpupulong ang mga myembro ng Local Price Coordinating Council (LPCC) ng Oriental Mindoro upang pag-igtingin ang price monitoring sa buong lalawigan at matiyak ang patas na presyo ng mga pangunahing bilihin.
Layunin din nitong maprotektahan ang mga mamimili laban sa posibleng pagtaas pa ng presyo na maaaring idulot ng pagmahal ng transport at shipping costs kasunod ng pagtaas ng global oil prices.
