March 17, 2026 | News by PISD


๐ ๐ฎ๐ ๐น๐ถ๐ธ๐ฎ๐-๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐๐ป๐น๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ข๐ฟ๐ ๐ถ๐ป., ๐ต๐ฎ๐๐ถ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ง๐ฅ๐๐ก๐ฆ๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ท๐ฒ๐ฐ๐
17 Marso 2026, Lungsod ng Calapan โ Mas likas-kayang kaunlaran para sa Oriental Mindoro ang hatid ng Transformative Actions for Climate and Ecological Protection and Development (TRANSCEND) Project.
Ito ang isinusulong sa Luzon Partnersโ Forum and Landscape Workshop na ginanap ngayong araw sa Balai Mindoro, Brgy. Bayanan I, Lungsod ng Calapan.
Isa itong limang taong programang ipinatutupad mula 2025 hanggang 2029 bunga ng pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa Federal Republic of Germany, sa pamamagitan ng International Climate Initiative (IKI).
Layunin nitong mas palakasin ang kakayahan ng Oriental Mindoro tungo sa pagiging isang climate-resilient, low-carbon at biodiversity-friendly na lalawigan sa pamamagitan ng epektibong pagpaplano at pagpapatupad ng mga polisiyang tutugon sa mas pinaigting na pangangalaga sa kalikasan.
Sa programa, pormal na tinanggap ni Bise Gobernador Antonio โJojoโ S. Perez, Jr. bilang kinatawan ni Gobernador Humerlito โBonzโ Dolor ang Letter of Coordination, kasama ang mga kinatawan mula sa Conservation International Philippines Foundation Inc. (CIPFI), RARE, UN-Habitat, United Nations Industrial Development Organization (UNIDO) at Deutsche Gesellschaft fรผr Internationale Zusammenarbeit (GIZ) GmbH.
Simbolo ito ng mas malalim na ugnayan ng Provincial Government of Oriental Mindoro (PGOM) sa mga nasabing organisasyon, kasabay ng nagkakaisang pangakong pagpapatupad ng mga inisyatibang higit na magsusulong ng ekolohikong pag-unlad para sa probinsya.
Kasabay nito, tiniyak ng Bise Gobernador ang malalim na pagpapahalaga ng Pamahalaang Panlalawigan at ng Sangguniang Panlalawigan sa pangangalaga sa kalikasan na nagsisilbing sentro ng ekonomiya at tanging pinagkukunan ng kabuhayan ng mamamayang Mindoreรฑo.
Patunay aniya rito ang pagpapatupad ng mahigit dalawang dekada nang Mining Moratorium sa lalawigan na pumipigil sa malawakang pagmimina sa mga likas na yaman ng Oriental Mindoro.
Dumalo naman sa gawain si Mansalay Mayor Ferdinand Maliwanag, ibaโt ibang tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan kabilang ang Provincial Agriculturistโs Office (PAgO), Provincial Planning and Development Office (PPDO) at Provincial Cooperative Development Office (PCDO), National Government Agencies at iba pa.
