DepEd Oriental Mindoro, ipinagmalaki ang naging tagumpay sa MRAA Meet 2026

March 17, 2026 | News by PISD

๐——๐—ฒ๐—ฝ๐—˜๐—ฑ ๐—ข๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ผ, ๐—œ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ถ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฅ๐—”๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Buong pagmamalaking ipinakita ng DepEd Oriental Mindoro sa pangunguna ni dating Assistant Schools Division Superintendent (ASDS) Felix Famaran, Chief Education Program Supervisor at Concurrent Officer-in-charge (ASDS) Haide M. Padua at Education Program Supervisor Eddy A. Dalisay ang mga tropeong nakamit ng delegasyon ng Oriental Mindoro sa katatapos lamang na MIMAROPA Regional Athletic Association (MRAA) Meet 2026.

Ibinida nila ang naiuwing 17 tropeo ng delegasyon ng lalawigan at ang 348 na medalya mula sa iba’t ibang sporting events ng MRAA 2026.

Samantala, binigyang-diin ni Gob. Dolor ang kahalagahan ng naging matibay na ugnayan ng DepEd at ng Pamahalaang Panlalawigan sa matagumpay na pagdaraos ng naturang palaro.

Pinuri naman ni Gob. Dolor ang determinasyon, galing at talento ng mga kabataang atletang Oriental Mindoreรฑo na nagbigay ng kanilang buong puso sa paglalaro upang makapag-uwi ng mataas na karangalan sa lalawigan.

Gayundin, kinilala ni Gob. Dolor ang naging malaking papel na ginampanan ng tanggapan ng Provincial Public Employment and Service Office (PPESO) sa pangunguna ni PPES Officer Antonio M. Magnaye Jr. at Special Concerns Division na pinamumunuan ni SCD Chief Junielo Alcuran sa pagsigurong maibigay ang mga pangangailangan ng bawat atleta.

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1AytD8Jis2/

Scroll to Top