C/MDRRMOs, nakatanggap ng tablets mula sa PGOM

March 17, 2026 | News by PISD

Upang higit pang mapalakas ang sistema ng komunikasyon sa lalawigan tuwing mayroong kalamidad, namahagi si Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor ng tablets sa bawat Municipal at City Disaster Risk Reduction and Management Officer (M/CDRRMO) ngayong ika-17 ng Marso 2026.

Personal na tinanggap ng mga M/CDRRMO ang bagong gadget na inaasahang magiging daan upang mas mapabilis ang koordinasyon at kanilang pagpapasa ng mga incident report tuwing may mga kalamidad o iba pang kaugnay na insidente.

Abangan ang buong detalye ng balita.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1FYHLbtTbF/

Scroll to Top