Apat na sasakyan at drilling machine, ipinamahagi ng Pamahalang Panlalawigan

March 17, 2026 | News by PISD

17 Marso 20206, Lungsod ng Calapan – Pinangunahan ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor ang turn over at pagbabasbas ng apat na sasakyan na donasyon ng Pamahalaang Panlalawigan sa National Government Agencies sa lalawigan.

Pormal na tinanggap ang mga sasakyan nina NBI Acting Regional Director Alvin L. Rebadulla, PNP Provincial Director PCOL Edison V. Revita, PDEA Regional Director Lirio T. Ilao-Oximar at CSC Oriental Mindoro Field Office Director Ma. Theresa R. Poblador.

Ayon kay Gov. Bonz, bahagi ito ng Peace and Order and Public Safety (POPS) Plan ng Oriental Mindoro na tulungan ang mga ahensya ng pamahalaan upang maging mas episyente sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa lalawigan.

Natutuwa rin siya, aniya, na magkakatuwang na kumikilos ang mga ahensya sa pagsugpo sa kriminalidad. “Kapag may tiwala ang mga tao sa PNP, NBI, PDEA ay ramdam nila na mayroong pamahalaan,” ang pahayag pa ni Gob. Bonz.

Samantala, kasabay rin ang pagbabasbas ng bagong drilling machine na binili ng Pamahalaang Panlalawigan upang makatulong sa mga mamamayan na nahihirapan sa supply ng tubig, partikular sa mga bayan ng Bongabong, Roxas, Mansalay, at Bulalacao.

Nakiisa rin sa gawain sina Bise-Gob. Antonio S. Perez, Jr., kasama ang mga Bokal na sina Ronalee E. Leachon, Marion Francis D. Marcos, Atty. Rolando H. Ruga at Alely Casubuan-Tan.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/189oeZms1p/

Scroll to Top