March 16, 2026 | News by PISD

๐ ๐๐ก๐ฆ๐จ ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ฝa๐ป ๐๐ถ๐๐ ๐๐ฎ๐บ๐ฝ๐๐, ๐ป๐ฎ๐ด๐ฑ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐ถ๐ธ๐ฎ-5 ๐๐ฎ๐ผ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ถ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐๐ฎ๐ฟ๐๐ผ
16 Marso 2026, Lungsod ng Clapan – Ipinagdiwang ng Mindoro State University (MinSU) Calapan City Campus ang ika-5 anibersaryo ng pagkakatatag nito sa isang seremonyang dinaluhan ng mga opisyal, kawani, faculty, at dating pinuno ng pamantasan.
Pinangunahan ni Dr. Enya Marie D. Apostol, SUC President III ng MinSU, ang pagdiriwang na may temang โDangal ng Ikalimang Taong Pagdiriwang ng Pagiging Mahusay, Matalino at Mabuti.โ
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin niya ang patuloy na pag-unlad ng unibersidad at ang mahalagang papel ng pakikipagtulungan sa Pamahalaang Panlalawigan at iba pang katuwang ng institusyon. Hinimok din niya ang mga opisyal, kawani, at faculty ng MinSU na manatiling matatag sa kabila ng mga pagsubok. Ayon sa kanya, sila ang pundasyon ng unibersidad kayaโt mahalagang magtulungan upang mapanatili ang layunin ng pagiging mabuti, mahusay, at matino sa paglilingkod sa mga mag-aaral na Oriental Mindoreรฑo.
Bilang Guest of Honor, malugod na binati ni MinSU Board of Regents Provincial Governor Bonz Dolor na nagsilbi ring opisyal na kinatawan ni Senador Loren Legarda ang mga nagsipagdalo sa nasabing okasyon.
Sa kanyang mensahe, kinilala niya ang husay ng kasalukuyang liderato ni Dr. Apostol, gayundin, ang kontribusyon ng mga naunang opisyal at pinuno ng unibersidad.
Inilahad niya ang naging kasaysayan ng Pamantasan at ang pagiging bahagi niya nito.
Pinuri ng Gobernador ang dedikasyon ng mga guro at opisyal ng MinSU. Aniya, mapalad ang mga mag-aaral ng Pamantasan dahil may mga mahusay na guro at matatag na pamunuan na gumagabay sa kanila.
Inihayag din ni Gov. Dolor ang ilang suportang ipagkakaloob para sa unibersidad, kabilang ang pagtatayo ng 12 classroom building sa Calapan Campus at anim na silid-aralan para sa Bongabong Campus. Ipagkakaloob din ng Pamahalaang Panlalawigan ang isang university ambulance para sa MinSU at P1 milyong pondo para sa research at extension services ng Main Campus bilang isang Agricultural University.
Kabilang din sa mga inisyatibang inihayag ang scholarship assistance para sa 833 estudyante ng MinSU na tatanggap ng tig-P5,000.
Bilang bahagi ng programa at isang sorpresang handog ng Ama ng Lalawigan, ginawaran ng laptop at printer si Cristine Marjorie Pasco, faculty ng College of Business and Management ng MinSU. Nagpasalamat naman si Pasco sa Gobernador dahil sa malaking tulong nito na magagamit sa pagtuturo at kapakinabangan ng mga mag-aaral sa kursong Bachelor of Science and Tourism Management.
