Kapayapaan Ride para sa Riders Day 2026, pinaghahandaan na

March 16, 2026 | News by PISD

Kapayapaan Ride para sa Riders Day 2026, Pinaghahandaan na

Pinangunahan ni Governor Humerlito “Bonz” Dolor ang isang pagpupulong kasama ang mga Club Presidents ng iba’t ibang motorcycle groups sa Oriental Mindoro, katuwang ang Oriental Mindoro Riders Federation (OMRF) na pinamumunuan ni OMRF President Michael William Uy.

Layunin ng pulong na paghandaan ang nalalapit na “Kapayapaan Ride” sa darating na buwan ng Mayo bilang bahagi ng pagdiriwang ng Riders Day 2026 sa lalawigan.

Tinalakay sa meeting ang koordinasyon at mga plano upang matiyak ang maayos at ligtas na aktibidad para sa riding community.

Bukas ang registration mula Marso 14 hanggang Abril 5, 2026, at hinihikayat ang mga riders na makipag-ugnayan sa kani-kanilang Club President para sa pagpaparehistro. Layunin ng aktibidad na ipakita ang pagkakaisa ng riders sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaunlaran sa lalawigan.

(C)Michael William Uy

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/18CzARjaBS/

Scroll to Top