March 16, 2026 | News by PISD

๐๐๐ ๐ฃ๐น๐ฎ๐ป๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐๐ฑ๐ด๐ฒ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ช๐ผ๐ฟ๐ธ๐๐ต๐ผ๐ฝ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ณ ๐ถ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ
16 Marso 2026, Puerto Galera โ Upang mas mapalalim ang kaalaman sa pagbuo ng mga programa upang matiyak ang maayos at inklusibong plano para sa taong 2027.
Ito ang naging layunin ng isinagawang Training Workshop on the Revised Guidelines on the Localization of Magna Carta of Women and Gender โ Responsive Planning and Budgeting para sa taong 2027 na isinagawa noong Marso 11-13.
Layunin ng pagsasanay na ito na mas mapalalim ang kaalaman ng Provincial GAD Focal Point System (PGFPS) TWG sa pagbuo ng mga programang tumutugon sa pangangailangan ng bawat kasarian upang matiyak ang maayos at inklusibong plano para sa taong 2027.
Binigyang-diin ni Provincial GAD Focal Point System (PGFPS) TWG Chairperson Atty. Jean Phebie G. De Mesa sa kaniyang mensahe ang bigat na tungkuling kaakibat ng pagiging isang GAD advocate.
Ilan sa mga tinalakay ay ang GAD Focal Point System (GFPS) Functionality Assessment Tool (GFAsT), Enhanced GERL Assessment Tool, Gender Analysis, Review and Alignment of GAD Code batay sa mga natukoy na Gender Issues at ang Guidelines on the Review of GPB.
Matatandaan na sa bisa ng Joint Memorandum Circular No. 2024-01 na inilabas ng Philippine Commission on Women (PCW), DILG, DBM, at NEDA, pormal nang ibinaba sa PGFPS TWG ang review process ng GAD Plan at Accomplishment Report ng mga nasasakupang LGU.
โLet us welcome diverse perspectives at ibaโt ibang approach para sa gagawing pag-rereview. While we review, we also need to do our part na gawin ang best para sa ating mga opisina,โ ang tagubilin pa ni Atty. De Mesa sa mga dumalong myembro ng PGFPS TWG.
Nagsilbing resource speaker sa naturang gawain si PCW National Gender and Development Resource Pool (NGRP) Member Ma. Ellaine Kris R. Diomampo. Ito ay pinangasiwaan ng Provincial Social Welfare and Development Office.
