Apat na suspek kaugnay sa halos P10B halaga ng droga na nasabat sa OcciMin., nadakip na ng awtoridad

March 13, 2026 | News by PISD

𝗔𝗽𝗮𝘁 𝗻𝗮 𝘀𝘂𝘀𝗽𝗲𝗸 𝗸𝗮𝘂𝗴𝗻𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗵𝗮𝗹𝗼𝘀 𝗣𝗵𝗽. 𝟭𝟬 𝗕 𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝗻𝗴 𝗱𝗿𝗼𝗴𝗮 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝘀𝗮𝗯𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗢𝗰𝗰𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼, 𝗻𝗮𝗱𝗮𝗸𝗶𝗽 𝗻𝗮 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗮𝘄𝘁𝗼𝗿𝗶𝗱𝗮𝗱

13 Marso 2026, Lungsod ng Calapan – Nagpatawag si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor “Jonvic” C. Remulla ng isang Press Conference kaugnay sa nasabat ng Philippine Army 76th Infantry Battalion na mahigit 900 kilo ng Methamphetamine Hydrochloride o isang uri ng iligal na droga lulan ng sumadsad na speed boat sa Paluan, Occidental Mindoro noong ika-10 ng Marso.

Kasama sa mga dumalo sa PressCon si Philippine National Police (PNP) Chief PGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr.

Mayroon itong street value na hindi bababa sa Php. 10 Bilyon.

Ayon kay Sec. Remulla, nahuli na ang apat (4) na pangunahing suspek na may kaugnayan sa insidente. Dalawa sa kanila ay Chinese nationals na aniya’y bahagi ng isang malaking sindikato. Ang dalawa pang sangkot ay mga Pilipino na akmang tutulong sa mga tumakas na dalawang Chinese Nationals at pinaniniwalaang tatanggap ng mga iligal na kargamento.

Dagdag pa ng Kalihim, may malaking indikasyon na halos isang (1) taon nang isinasagawa ng grupo ang operasyon na kadalasan ay idinadaan sa mga karagatan.

Dahil dito, iminungkahi ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor na muling suriin at pag-aralan ang International Shipping Lanes na dumadaaan sa karagatang sakop ng isla ng Mindoro upang mapigilan ang pagpasok ng mga ilegal na droga sa lalawigan at sa bansa.

Bilang bahagi naman ng pagpapalakas at pagpapaigting ng pagbabantay sa mga karagatan, sinabi ni Sec. Remulla na mas mainam na mag-invest ang pamahalaan sa mga makabagong teknolohiya tulad ng high-end na long-range drones na may radio intercept, sa halip na gumastos nang malaki sa pagbili ng mga helicopter at speed boat.

Siniguro naman ng Kalihim na naibigay na ang reward money sa mga opisyales ng barangay at mga rumespondeng miyembro ng 76 IB.

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/share/p/14b7qksnr8b/

Scroll to Top