March 12, 2026 | News by PISD

Ang fuel hoarding ay ang labis at hindi makatarungang pag-iimbak ng mga produktong petrolyo o ang hindi makatarungang pagtanggi na ibenta o ipamahagi ang mga ito sa mga mamimili. Ang ganitong gawain ay maaaring magdulot ng kakulangan sa suplay ng gasolina at magpataas ng presyo, na labis na nakaaapekto sa publiko.
Mahigpit na ipinagbabawal ang fuel hoarding lalo na sa panahon ng krisis, kalamidad, o anumang sitwasyon na maaaring makaapekto sa suplay ng petrolyo. Ang sinumang mapapatunayang sangkot sa ganitong gawain ay maaaring managot sa ilalim ng umiiral na batas.
Paalala sa publiko:
– Huwag mag-imbak ng labis na dami ng gasolina na lampas sa pangangailangan.
– Iwasan ang panic buying na maaaring magdulot ng kakulangan sa suplay.
– Maging mapagmatyag sa mga establisyimentong nagtatago ng suplay o tumatangging magbenta ng petrolyo nang walang sapat na dahilan.
Kung may nalalaman o napapansing fuel hoarding, agad itong ireport sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya sa inyong lugat o tumawag sa 911.
“𝘽𝙖𝙜𝙤𝙣𝙜 𝙋𝙉𝙋 𝙋𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝘽𝙖𝙜𝙤𝙣𝙜 𝙋𝙞𝙡𝙞𝙥𝙞𝙣𝙖𝙨: 𝙎𝙚𝙧𝙗𝙞𝙨𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙗𝙞𝙡𝙞𝙨, 𝙏𝙖𝙥𝙖𝙩, 𝙖𝙩 𝙉𝙖𝙧𝙖𝙧𝙖𝙢𝙙𝙖𝙢𝙖𝙣.”
#BagongPNPparasaBagongPilipinasSerbisyongMabilisTapatatNararamdaman
Source: https://www.facebook.com/share/p/1GTuxj8hmt/?mibextid=wwXIfr
