MinSU Main Campus, handa kung sakaling lumindol

March 12, 2026 | News by PISD

๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฆ๐—จ ๐— ๐—ฎ๐—ถ๐—ป ๐—–๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐˜‚๐˜€, ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—น๐˜‚๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—น

Ipinakita ng Mindoro State University – Main Campus sa Barangay Alcate, Victoria ang kanilang kahandaan sakaling magkaroon ng hindi inaasahang malakas na paglindol.

Ito ay matapos ang isinagawang First Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) 2026 ngayong ika-12 ng Marso.

Batay sa naging obserbasyon ng mga miyembro ng evaluator’s team, maayos na naisagawa ng mga mag-aaral, guro at iba pang kawani ng Unibersidad ang tamang โ€œduck, cover and holdโ€ at nasunod ang itinakdang evacuation plan ng paaralan.

Kaakibat ng aktibidad ang agarang pag-activate ng Emergency Operations Center (EOC) at ang mabilisang pagresponde ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa iba’t ibang mga magkakaugnay na insidente.

Matagumpay itong naisagawa sa pakikipagtuwang ng ibaโ€™t ibang ahensya ng pamahalaan, tulad ng Office of the Civil Defense (OCD), Department of the Interior and Local Government (DILG), Provincial Health Office(PHO) Provincial DOH Office (PDOHO), Provincial and Municipal Municipal Social Welfare and Development Office (P/MSWDO), Bureau of Fire Protection (BFP)โ€“Victoria, MDRRMO Victoria, PNP Victoria Municipal Police Station, Municipal Health Office (MHO), Municipal Engineering Office(MEO) Pinamalayan MDRRMO, Victoria Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) at ng mga kawani ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa pangunguna ni PDRRM Officer Vinscent B. Gahol.

Mahalaga ang gawaing ito sa mga residente at buong komunidad ng Alcate, Victoria lalo pa’t ang kanilang lokasyon ay malapit sa aktibong Aglubang River Fault na nauugnay sa magnitude 7.1 na lindol sa Oriental Mindoro noong ika-15 ng Nobyembre taong 1994.

Sa pamamagitan ng regular na gawaing ito, napatataas ang kamalayan at maitataguyod ang kultura ng kahandaan ng mga komunidad sa mga kinakailangang hakbang sakaling magkaroon ng hindi inaasahang lindol na magdudulot ng panganib sa kanilang kaligtasan.

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1A2u3W3zf6/

Scroll to Top