March 11, 2026 | News by PISD

๐ฃ๐๐ฅ๐ฅ๐ ๐ข, ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ฎ ๐๐บ๐ฎ๐๐ถ๐๐๐ฒ ๐๐ฎ ๐ฎ๐๐น๐ฒ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ ๐ถ๐ป๐ฑ๐ผ๐ฟ๐ฒรฑ๐ผ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ฎ๐ธ๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐๐ฒ ๐๐ฎ ๐ ๐ฅ๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
11 Marso 2026, Lungsod ng Calapan โ Agad na rumispunde ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) upang mabigyan ng kaukulang medikal na atensyon ang isang atleta mula sa delegasyon ng Calapan City na naaksidente kaninang umaga habang naglalaro ng basketball sa MRAA Meet 2026 na ginaganap sa Sablayan, Occidental Mindoro.
Ayon sa ulat ng PDRRMO na pinamumunuan ni PGDH-PDRRMO Vinscent Gahol, pansamantalang dinala sa San Sebastian District Hospital sa bayan ng San Jose ang pasyente na nagkaroon ng pinsala sa ibabang bahagi ng kaliwang binti na nangangailangan ng operasyon.
Sa pakikipag-ugnayan ng nasabing tanggapan sa Incident Management Team ng MDRRMO San Jose, inihatid pabalik sa Oriental Mindoro ang nasabing atleta kaninang 12:41 PM lulan ng ambulansya ng PDRRMO.
Kasalukuyan itong ibinabyahe patungong Luna Goco Medical Center upang mabigyan ng karampatang serbisyong medikal.
Patunay lamang ang aksyong ito na laging handa at maigting ang pagbabantay ng Pamahalang Panlalawigan sa loob man o labas ng probinsya upang matiyak ang kaligtaan at agarang matutugunan ang mga pangangailangang medikal at pangkalusugan ng mga Mindoreรฑo.
(c) PDRRMO-Oriental Mindoro
