Medical Supplies at mga gamot para sa OMPH at iba pang pampublikong ospital sa lalawigan, dumating na

March 11, 2026 | News by PISD

MEDICAL SUPPLIES AT MGA GAMOT PARA SA OMPH AT IBA PANG PAMPUBLIKONG OSPITAL SA LALAWIGAN, DUMATING NA

11 Marso 2026, Lungsod ng Calapan – Dumating na ang mga gamot at medical supplies mula sa Medical Assistance for Indigent Patients (MAIP) program ng pamahalaan na nakalaan para sa Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH), Naujan Community Hospital (NCH), Oriental Central District Hospital (OMCDH) at Bulalacao Community Hospital (BCH).

Malaking tulong ang naturang suplay upang patuloy na matulungan ang mga pasyente, lalo na ang mga indigent na mga mamamayan na umaasa sa serbisyong medikal ng mga pampublikong ospital.

Kabilang sa mga dumating na kagamitan ang iba’t ibang uri ng gamot, medical consumables, at iba pang mahahalagang suplay na ginagamit sa pang-araw-araw na operasyon ng OMPH.

Patuloy namang hinihikayat ang publiko, partikular ang mga kapamilya ng pasyente na makipag-ugnayan sa konsernadong ospital at sa kinauukulang tanggapan upang malaman ang mga serbisyong maaaring mapakinabangan sa ilalim ng programang MAIP.

Abangan ang mga opisyal na larawan.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1CWzGSxf2C/

Scroll to Top