March 11, 2026 | News by PISD

๐๐ผ๐ฏ. ๐๐ผ๐น๐ผ๐ฟ, ๐ป๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ด๐๐ฏ๐ถ๐น๐ถ๐ป ๐๐ฎ ๐๐๐ฃ ๐ธ๐ฎ๐๐ด๐ป๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ถ๐ฏ๐ฎ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด-๐ถ๐ถ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐๐๐ป๐ผ๐ด ๐ป๐ด๐ฎ๐๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ด-๐ถ๐ป๐ถ๐
Itinagubilin ni Gobernador Humerlito โBonzโ A. Dolor sa Bureau of Fire Protection (BFP) na itiyak na ligtas ang lalawigan laban sa anumang banta ng sunog, partikular ang grass o forest fires lalo pa at nalalapit na ang panahon ng tag-init.
Ito ang atas ng Gobernador sa katatapos na First Quarter Joint Council meeting ng Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC), Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) at Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC).
Ayon kay Calapan PAGASA Station Officer Edmundo M. Muning, nakapaglabas na ang DOST-PAGASA ng La Niรฑa Final Advisory na nangangahulugan na unti-unting nang papasok ang panahon ng tag-init.
Dahil dito, pinapaalalahanan ang publiko na maging maingat sa pagsusunog ng mga damo o basura, paggamit ng apoy at iba pang mga gawain na maaaring pagmulan ng sunog lalo paโt ang Marso ay tinaguriang Fire Prevention Month.
