Gov. Dolor, nahalal bilang Co-Chairperson ng Luzon Regional Development Committee

March 10, 2026 | News by PISD

Isang mahalagang pagkilala para sa lalawigan ng Oriental Mindoro ang pagkakahalal kay 𝗚𝗼𝗯𝗲𝗿𝗻𝗮𝗱𝗼𝗿 𝗛𝘂𝗺𝗲𝗿𝗹𝗶𝘁𝗼 “𝗕𝗼𝗻𝘇” 𝗔. 𝗗𝗼𝗹𝗼𝗿 𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗖𝗼-𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗟𝘂𝘇𝗼𝗻 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 (𝗥𝗗𝗖𝗼𝗺).

Bilang bahagi ng RDCom, hindi lamang buong rehiyong MIMAROPA ang kanyang saklaw, kundi pati na rin ang iba pang mga rehiyon sa buong Luzon.

Magiging malaking bahagi siya ng pagbabalangkas, pagsubaybay at pagsusuri ng mga polisiya at programang pangkaunlaran sa iba’t ibang rehiyon. Gayundin, kabilang sa kanyang bagong tungkulin ang pagtitiyak ng patas at makatarungang alokasyon ng pondo at mga yaman para sa bawat rehiyon.

Kaisa rin siya, kasama ang buong RDCom sa pagbabantay ng mga ipinatutupad na Regional Development Framework ng Philippine Development Plan, pagsusuri sa kasalukuyang regional configuration ng bansa at pagrekomenda ng mga kinakailangang pagbabago sa estruktura at mekanismo ng Regional Development Councils (RDCs).

Ang kanyang pagkakahalal sa bagong posisyong ito ay patunay ng malaking tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng kanyang mga kapwa pinuno upang maging bahagi ng mas malawak na talakayan at pagpapasya na naglalayong isulong ang kaunlaran ng buong Luzon at ng buong bansa.

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/share/p/18UJKVtZup/

Scroll to Top