Mahigit Php800,000 ipinagkaloob ni Gob. Dolor sa MRAA 2026 Calapan City Delegation

March 9, 2026 | News by PISD

๐— ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—ด๐—ถ๐˜ ๐—ฃ๐—ต๐—ฝ. ๐Ÿด๐Ÿฌ๐Ÿฌ,๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ผ๐—ฏ ๐—ป๐—ถ ๐—š๐—ผ๐—ฏ. ๐——๐—ผ๐—น๐—ผ๐—ฟ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฅ๐—”๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐—–๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐—ฑ๐—ฒ๐—น๐—ฒ๐—ด๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป

09 Marso 2026, Sablayan, Occidental Mindoro – Umabot sa mahigit Php. 800,000 ang kabuuang halaga ng pinansyal na insentibo na ipinagkaloob ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor sa delegasyon ng Lungsod ng Calapan sa MIMAROPA Regional Athletic Association (MRAA) 2026.

Kabilang sa mga tumanggap ng tig Php. 2,000 bawat isa ang mga atleta, coaches, delegation at technical officials ng Lungsod ng Calapan.

Ang inisyatibong ito ay bahagi ng pagpapakita ng suporta at pagkalinga ng Pamahalaang Panlalawigan sa bawat Mindoreรฑo na bahagi ng pagdaraos ng MRAA Meet ngayong taon.

Sumaksi naman sa gawain si DepEd Regional Director Nicholas T. Capulong, Oriental Mindoro Schools Division Superintendent Dr. Maria Luisa D. Servando at ASDS Felix Famaran.

#TheCapitolNews#MRAA2026

Source: https://www.facebook.com/share/p/1HM7Kybejq/

Scroll to Top