March 8, 2026 | News by PISD

Simula bukas, 09 Marso 2026, epektibo na ang apat (4) na araw na pasok ng mga tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan bilang bahagi ng istratehikong hakbang ng pamahalaan upang makatipid sa paggamit ng enerhiya at gasolina.
Ito ay bahagi ng pagtalima ng Pamahalaang Panlalawigan sa ipinag-utos ng MalacaƱang na four-day workweek para sa mga tanggapan sa ehekutibong sangay ng pamahalaan dahil sa mga pandaigdigang sigalot na nakakaapekto sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at iba pa.
Samantala, mananatiling regular ang pasok ng mga tanggapan na ang pangunahing serbisyo ay nakatuon sa pagbibigay ng pangunahing serbisyo sa mga mamamayan tulad ng kalusugan, disaster response at iba pang kaugnay na serbisyo.
