MRAA 2026, pormal nang sinimulan

March 8, 2026 | News by PISD

𝗠𝗥𝗔𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲, 𝗣𝗼𝗿𝗺𝗮𝗹 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗶𝗻𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮𝗻

Pormal nang sinimulan ang MIMAROPA Regional Athletic Association (MRAA) Meet 2026 ngayong ika-08 ng Marso sa bayan ng Sablayan, lalawigan ng Occidental Mindoro na dinaluhan ng libu-libong atletang kumakatawan sa iba’t ibang lalawigan at lungsod sa Rehiyong MIMAROPA.

Bilang panimulang bahagi ng seremonya, isinagawa ang grand parade kung saan sama-samang nagmartsa ang mga atleta, coaches at mga opisyal ng bawat delegasyon.

Nagpakita naman ng disiplina, sigla at pagkakaisa ang delegasyon ng Oriental Mindoro na kung saan buong suportang nakiisa ang Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor kasama ang mga department heads ng Kapitolyo, Sangguniang Panlalawigan (SP) na pinangunahan ni Bise-Gobernador Antonio CA Jojo S. Perez Jr. kasama ang mga bokal at iba pang kawani ng SP.

Magsisimula na bukas, ika-09 ng Marso ang tagisan ng galing, talino at talento ng mga kabataang atleta sa iba’t ibang sporting events na tatagal hanggang sa ika-12 ng Marso.

#TheCapitolNews#MRAA2026

Source: https://www.facebook.com/share/p/1MgVDRws6y/

Scroll to Top