IMT, nagsagawa ng Operational Briefing sa pagtitiyak ng kaayusan at kaligtasan ng mga atleta para sa MRAA Meet 2026

March 8, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Upang maitiyak ang kaligtasan ng bawat atleta at katagumpayan ng pagdaraos ng MIMAROPA Regional Athletic Association (MRAA) Meet 2026, magkatuwang na nagsagawa ng Operational Briefing ang mga myembro ng Incident Management Team (IMT) para sa palaro.

Pinangunahan ang gawain nina Sablayan MDRRMO at IMT Commander Arcris Canillo at Oriental Mindoro PDRRM Officer Vinscent B. Gahol, kasama ang buong pwersa ng dalawang tanggapan.

Bahagi ito ng masusing paghahanda at pagpaplano upang mabilis na makaresponde sakaling may hindi inaasahang pangyayari na kailangan ng agarang aksyon ng kanilang tanggapan.

Gayundin, isa itong mabisang hakbang upang masigurong naaayon sa plano at maayos ang maging daloy ng mga nakalinyang aktibidad sa limang (5) araw na pagdaraos ng MRAA ngayong taon.

📸: PDRRMO ORMIN

Source: https://www.facebook.com/share/p/1aebeBh8RA/

Scroll to Top