Mga kalahok sa GSP Camo-ference 2026, sumailalim sa first-aid training ng PDRRMO

March 7, 2026 | News by PISD

07 Marso 2026, Lungsod ng Calapan – Sumasailalaim sa pagsasanay ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang mga kalahok na Girl Scout bilang bahagi ng mga tampok na gawain sa ginaganap na 75th Council Anniversary Camp-ference ng GSP Oriental Mindoro Council.

Tinuturuan ang mga kalahok tungkol sa hands-only CPR, spine board management at Splinting upang ihanda ang mga kabataang girl scout na maging katuwang sa pagliligtas ng buhay, hindi lamang sa loob ng kanilang paaralan kundi maging sa kani-kanilang mga tahanan at komunidad.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1Drs5TM2JR/

Scroll to Top