March 7, 2026 | News by PISD

๐๐ผ๐ฏ. ๐๐ผ๐ป๐ ๐๐ผ๐น๐ผ๐ฟ, ๐ก๐ฎ๐ด๐ฏ๐ถ๐ด๐ฎ๐ ๐ถ๐ป๐๐ฝ๐ถ๐ฟ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐๐๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐ถ๐ป๐๐ฒ๐ป๐๐ถ๐ฏ๐ผ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฎ๐๐น๐ฒ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ข๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐น ๐ ๐ถ๐ป๐ฑ๐ผ๐ฟ๐ฒรฑ๐ผ
07 Marso 2026, Sablayan, Occidental Mindoro – Naghatid ng inspirasyon si Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor sa mga kabataang atletang Oriental Mindoreรฑo na magsisilbing kinatawan ng lalawigan sa MIMAROPA Regional Athletic Association Meet (MRAA) na gaganapin ngayong taon sa Sablayan, Occidental Mindoro.
Ayon kay Gob. Dolor, upang makamit ang tagumpay at maging numero uno, mahalagang taglayin ng bawat manlalaro ang disiplina at maayos na pakikipagkapwa sa mga kapwa atleta.
Bukod sa pagbibigay ng inspirasyon, nagkaloob din si Gob. Dolor ng Php 6,716.00 na pinansyal na insentibo sa bawat atleta bilang pagkilala sa kanilang kahusayan na ipinakita sa nagdaang Palaro Oriental Mindoro S.Y. 2025โ2026, at bilang pasasalamat sa pagdadala ng karangalan sa lalawigan sa mas mataas na antas ng kumpetisyon.
Samantala, sa ilalim ng Provincial Ordinance No. 187-2025, dodoblehin ang pinansyal na insentibong matatanggap ng mga atletang magwawagi sa palarong pambansa. Ang mga gantimpala ay aabot sa โฑ500,000.00 para sa Gold medalists, โฑ100,000.00 para sa Silver medalists, at โฑ50,000.00 naman para sa Bronze medalists.
Ipinakita rin ng Sangguniang Panlalawigan, sa pangunguna ni Bise Gobernador Antonio โCA Jojoโ S. Perez Jr., mga Bokal, kasama ang mga hepe ng ibaโt ibang departamento ng Kapitolyo, ang kanilang buong suporta sa mga atletang lalaban para sa karangalan ng Oriental Mindoro.
Magsisimula ang MRAA Meet 2026 bukas, ika-8 ng Marso sa pamamagitan ng grand parade ng lahat ng mga delegado at opisyal mula sa iba’t ibang lalawigan at lungsod sa Rehiyong MIMAROPA.
