March 6, 2026 | News by PISD

06 Marso 2026, Lungsod ng Calapan- Pormal nang pasisimulan ang pagbubukas ng 75th Anniversary Camp-ference para sa Junior, Senior, at Cadet levels ng Girl Scout of the Philippines-Oriental Mindoro Council sa Plaza del Gobernador, Provincial Capitol Complex, Calapan City ngayong araw, Marso 6 hanggang 8.
Nakatutok ito sa temang “Sisters and Legacy, Moving Forward Fearlessly.”
Tampok sa tatlong araw ang mga gawain na naglalayong paunlarin ang pamumuno, pagtutulungan, at malasakit sa komunidad ng mga Girl Scout.
Kabilang dito ang fun run, pagbisita sa Oriental Mindoro Heritage Museum, leadership workshops, team-building activities, song and dance presentations, environmental awareness sessions, at iba pang gawaing nagsusulong sa kapakanan at kakayahan ng mga kabataang Girl Scout.
Samantala, patuloy na nagdaratingan ang mga delegado mula sa iba’t ibang sub camps sa lalawigan.
Abangan ang iba pang detalye ng balita sa The Capitol News.
