March 5, 2026 | News by PISD

๐๐ซ๐จ๐ญ๐๐ค๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฉ๐ซ๐จ๐๐ฎ๐ค๐ญ๐จ๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐๐จ๐ซ๐รฑ๐จ, ๐ญ๐ข๐ง๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ค๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐ง๐ญ๐๐ฅ๐ฅ๐๐๐ญ๐ฎ๐๐ฅ ๐๐ซ๐จ๐ฉ๐๐ซ๐ญ๐ฒ ๐๐๐ฆ๐ข๐ง๐๐ซ
05 Marso 2026, Lungsod ng Calapan- Mas maigting na pangangalaga sa mga produktong Mindoreรฑo ang isinusulong ng tatlong araw na Raise the Economy by Acquiring Protection (REAP): Intellectual Property Awareness Seminar na ginanap noong 3-5 Marso sa Tamaraw Hall, Provincial Capitol.
Sa gawain, tinalakay ang mahahalagang kaalaman sa pagtitiyak na maayos ang pagkilala at napoprotektahan ang mga natatanging likhang produkto sa lalawigan sa ilalim ng mga batas ukol sa intellectual property.
Kabilang sa mga paksang tinutukan ang may kinalaman sa patents, utility models, industrial designs, trademarks, copyrights, geographical indications at mga proseso ng pagpaparehistro.
Ito ang mga hakbang sa intellectual property na nagbibigay ng eksklusibong karapatan sa mga imbentor, negosyante, o kompositor bilang opisyal na nagmamay-ari ng kanilang mga imbensyon, disenyo, produkto at tatak.
Naisagawa ang programa sa pagtutulungan ng mga kawani ng Provincial Cooperative Development Office (PCDO) na pinamumunuan ni PGDH-PCDO Orlando B. Tizon at ng mga kinatawan mula sa Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) sa pangunguna ni IPOPHL Marketing and Communications Division Information Officer Emmelina Masanque.
Dumalo sa naturang seminar ang mga kinatawan mula sa Provincial Agriculturist’s Office, iba’t ibang National Government Agencies, lower LGUs, mga kooperatiba, asosasyon, mag-aaral at guro sa pangsekondaryang paaralan at iba pa.
