March 5, 2026 | News by PISD

05 Marso 2025, Lungsod ng Calapan – Ang paglalatag ng mga makabagong istratehiya upang mas maging epektibo ang pagpapatupad ng mga mahahalagang health programs upang mapalakas ang serbisyong pangkalusugan sa lalawigan.
Ito ang layunin ng isinasagawa ngayong First Quarter Health Program Meeting sa pangunguna ng Provincial Health Office (PHO) sa ilalim ng pamumuno ni Provincial Health Officer II Dr. Cielo Angela A. Ante sa Mangyan Hall sa Kapitolyo.
Bahagi ng talakayan sa pagpupulong ang mga update at issues and concerns kaugnay sa implementasyon ng mga programang Epidemiology and Surveillance, HIV, TB, Leprosy, at Rabies.
Ang pagtitipon ay dinaluhan ng mga Program Coordinator at Surveillance Officer mula sa iba’t ibang pampubliko at pribadong ospital mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan.
