Masiglang gawain para sa mga guro at mag-aaral, tampok sa Intellectual Property Seminar

March 5, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Isang masigla at malikhaing aktibidad para sa mga mag-aaral at mga guro ng paaralang pangsekondarya sa lalawigan ang tampok sa huling bahagi ng Raise the Economy by Acquiring Protection (REAP): Intellectual Property Seminar.

Isa-isang nagtanghal ang mga kalahok na hinati sa limang grupo ng kani-kanilang yells ukol sa pagpapahalaga ng pangangalaga sa Intellectual Property.

Hinikayat naman ni DepEd Calapan City CID-Chief Education Supervisor Dr. Joey Gutierrez ang mga mag-aaral na pahalagahan at protektahan ang mga likhang-isip sa pamamagitan ng pagkakaroon ng integridad, pagtangkilik sa mga orihinal na likha, at pagiging responsable sa paggamit ng mga hiram na produkto o komposisyon.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1CKyF7CE6g/

Scroll to Top