March 5, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Inobasyon, solusyon sa labis na ani
Nagpakita ng galing at talino ang mga mag-aaral at guro mula sa pangsekondaryang paaralan sa lalawigan matapos ipakilala ang kanilang mga ideyang makabagong produkto na sasagot sa labis na suplay ng sariwang mga ani, partikular ang kalamansi.
Bahagi pa rin ang gawaing ito ng pagpapalakas sa imahinasyon ng mga kabataan sa paglikha.
Pinapalawig din nito ang kanilang kaalaman sa mga tamang proseso upang mapangalagaan ang mga likhang-isip sa pamamagitan ng pagbibigay dito ng tatak na pinoprotektahan ng batas.
