Lalawigan ng Oriental Mindoro, umani ng parangal mula sa DBM MIMAROPA

March 4, 2026 | News by PISD

๐—Ÿ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ผ, ๐—จ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐——๐—•๐—  ๐— ๐—œ๐— ๐—”๐—ฅ๐—ข๐—ฃ๐—”

04 Marso 2026, Boac, Marinduque โ€“ Tatlong (3) prestihiyosong parangal ang natanggap ng lalawigan ng Oriental Mindoro mula sa Department of Budget and Management (DBM) MIMAROPA Regional Office sa pangunguna ni Regional Director Ricky L. Sanchez ngayong ika-04 ng Marso.

Kinilala ng DBM MIMAROPA ang maagap at mabilis na pag-apruba at pagsusumite ng FY 2026 Annual Budget ng Pamahalaang Panlalawigan dahilan upang itanghal na Rank 1.

Bukod dito, nakuha din ng lalawigan ang unang pwesto para sa Provincial Level dahil sa mabilis na pagsusumite ng Public Financial Management (PFM) Assessment Report at PMF Improvement Plan samantalang Rank 2 naman sa Regional Level.

Ang mga parangal ay tinanggap ni Provincial Budget Officer May Anne Joy M. Ylagan sa ngalan ng Pamahalaang Panlalawigan.

Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Panlalawigan upang maitiyak na ang pondo ng bayan ay maayos na nakaplano at handang magamit para sa mga programa, inisyatiba at proyektong tunay na nakalaan sa mga Mindoreรฑo.

Photo courtesy: Provincial Budget Officer May Anne Joy M. Ylagan

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/share/p/14V6kVSVnLs/

Scroll to Top