PDRRMO at Bulalacao MDRRMO, nagsagawa ng Water Safety Training

March 3, 2026 | News by PISD

๐Ÿ“… February 25-27, 2026

๐Ÿ“ Bulalacao, Oriental Mindoro

Nagpaunlak ng imbitasyon ang Oriental Mindoro Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) mula sa Bulalacao Muncipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ukol sa pagsasagawa ng Resource Facilitation hinggil sa Water Safety and Life Saving Techniques Training sa Bulalacao, Oriental Mindoro.

Layunin ng aktibidad na pag-igtingin ang kaalaman at kasanayan ng mga Floating Cottages Lifeguards bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga turista ngayong darating na summer season. Bahagi ito ng inisyatiba ng LGU na tiyaking bawat floating cottage ay may nakatalagang trained lifeguard upang masiguro ang kaligtasan ng mga turista at residente.

Buong suporta ang ibinibigay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa pangunguna ni Gobernador Humerlito โ€œBonzโ€ A. Dolor at PDRRM Officer Vinscent B. Gahol sa mga programang naglalayong mapaigting ang turismo na may kaakibat na kaligtasan, kahandaan, at seguridad ng komunidad.

———————————————————————————————————–

Operations and Warning Division Hotlines:

โ€Ž+(63) 948 146 0382

โ€Ž+(63) 920 951 3690

โ€Ž

Administration and Training Division

โ€Ž+(63) 916 220 1847

โ€ŽResearch and Planning Division

โ€Ž+(63) 948 154 1775

Source: https://www.facebook.com/share/p/1DSePHzQ7Q/?mibextid=wwXIfr

Scroll to Top