March 3, 2026 | News by PISD

Ngayong araw, ang mga kawani ng MDRRMO Magsaysay, katuwang ang BFP, Philippine National Police (PNP), TMO, mga Barangay Police, at Barangay Health Station ng Nicolas, ay nagbigay ng assistance at security support sa delegasyon ng Oriental Mindoro para sa gaganaping MRAA 2026. Ito ay bahagi rin ng patuloy na koordinasyon sa MDRRMO Sablayan at PDRRMO Oriental Mindoro.
Ang deployment ng mga team ay isinagawa upang masiguro ang safety at maayos na pagbiyahe ng delegasyon habang binabagtas ang pababang bahagi ng Nicolas, na kilala sa matarik at delikadong bahagi ng kalsada. Naka-standby ang ating responders para sa traffic management, monitoring, at agarang medical response kung kinakailangan.
Sa pamamagitan ng maayos na coordination ng mga ahensya, naging ligtas at maayos ang pagbaba ng bawat miyembro ng delegasyon.
Patuloy ang ating commitment sa public safety at suporta sa mga aktibidad na ginaganap sa ating probinsya.
#SaBayanNgMAGSAYSAYBidaAngHANDA
Source: https://www.facebook.com/share/p/1B6vf2eAYd/?mibextid=wwXIfr
