Capacity Building Activity ukol sa Intellectural Property Awareness, isinagawa para sa LGUs

March 3, 2026 | News by PISD

๐—œ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—น๐—น๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐˜‚๐—ฎ๐—น ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐˜† ๐—”๐˜„๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐—ฆ๐—ฒ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—Ÿ๐—š๐—จ๐˜€, ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ

03 Marso 2026, Lungsod ng Calapan – Sinimulan ngayong araw ang Raise the Economy by Acquiring Protection (REAP): Intellectual Property Seminar para sa LGUs upang mapalawig ang kanilang kaalaman ukol sa tamang pangangalaga ng pagkakakilanlan at pagmamay-ari ng mga likhang produkto sa lalawigan na ginanap sa Tamaraw Hall ng Provincial Capitol.

Sa pakikipagtulungan ng Provincial Cooperative and Development Office (PCDO) na pinamumunuan ni PGDH-PCDO Orlando B. Tizon sa Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL), layunin ng programa na mapalawig ang kaalaman ng mga lokal na pamahalaan ukol sa pagprotekta ng mga imbensyon, disenyo, akda, logo at iba pa alinsunod sa Intellectual Property Rights.

Sa pamamagitan nito, higit na mapaiigting ang kanilang pag-agapay sa pagrerehistro at pagbibigay ng tatak sa mga likhang-Mindoreรฑo na malaking hakbang upang mabigyan ng mas mataas na halaga ang mga produkto ng lalawigan.

Sentro ng talakayan ngayong araw ang mga impormasyong may kinalaman sa Patent, Utility Model, Industrial Design, Trademark, Copyright, Geographical Indications at iba pa na nagbibigay ng karapatan sa lumikha ng isang produkto bilang opisyal na nagmamay-ari nito.

Hinikayat naman ni Executive Assistant EnP Jose Maria Dalupan ang mga dumalo na patuloy na suportahan ang mga MSMEs, kooperatiba at asosasyon sa lalawigan sapagkat malaki ang kontribusyon ng kanilang mga likha sa pag-angat ng ekonomiya.

Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa PAgO, National Government Agencies, Municipal CDOs, Municipal Tourism Office, Business Permits and Licensing Office (BPLO), at iba pa.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/18TwPoajiD/

Scroll to Top