Pagdiriwang ng Women’s Month, sinimulan sa Kapitolyo

March 2, 2026 | News by PISD

๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ผ๐—บ๐—ฒ๐—ปโ€™๐˜€ ๐— ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ต, ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜๐—ผ๐—น๐˜†๐—ผ

02 Marso 2026, Lungsod ng Calapan – Isinagawa ngayon ang Provincial Kick-off Celebration ng Women’s Month sa Bulwagang Panlalawigan sa Kapitolyo.

Sa pangkalahatang pangangasiwa ng PSWDO sa pamumuno ni PSWD Officer Zarah C. Magboo, at sa suporta ng Provincial Gender and Development Focal Point System – Technical Working Group (PGFPS-TWG), sentro ng gawain ang temang โ€œLead like the Babaylans, Filipinas!โ€

Dito, binigyang-diin ang mahalagang papel ng mga kababaihan bilang mga makabagong pinuno. Ang temang ito ay bahagi pa rin ng malawakang kampanya para sa taong 2023-2028 na โ€œWE for Gender Equality and Inclusive Society.โ€

Pinangunahan ni Gobernador Humerlito โ€œBonzโ€ A. Dolor kasama ang kaniyang maybahay Hiyas Govinda Ramos โ€“ Dolor ang naturang gawain. Nakiisa rin sina Vice Governor Antonio S. Perez Jr. at Board Member Ronalee Leachon kasama ang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan.

Isa sa mga naging tampok na gawain ang pagbibigay ng bulaklak at token sa mga babaeng kawani ng Kapitolyo bilang pasasalamat at pagkilala sa kanilang walang pagod na serbisyo at kontribusyon sa lalawigan.

Abangan ang iba pang detalye.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1CHeLmiKyS/

Scroll to Top