Libreng YAKAP, handog ng PhilHealth sa Mindoreรฑos

March 2, 2026 | News by PISD

๐—Ÿ๐—ถ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ด ๐—ฌ๐—”๐—ž๐—”๐—ฃ, ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—›๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ฒรฑ๐—ผ๐˜€

02 Marso 2026, Lungsod ng Calapan โ€“ Libre at mas pinalawak na serbisyong pangkalusugan para sa bawat isang Mindoreรฑo ang hatid ng PhilHealth Yaman ng Kalusugan Program (YAKAP).

Ito ang inanunsyo ni PhilHealth Oriental Mindoro Chief Social Insurance (CSI) Officer Ma. Neresa C. Reganit sa flag ceremony ng mga kawani ng Kapitolyo na ginanap sa Bulwagang Panlalawigan ngayong umaga.

Sa ilalim ng Philhealth YAKAP, maaaring makakuha ang mga Mindoreรฑos ng mas pinalawak na Konsulta Package sa nasa 40 Philhealth-accredited YAKAP Clinics sa lalawigan na nagbibigay ng libreng outpatient care, at piling laboratory tests tulad ng Complete Blood Count (CBC), X-Ray, Electrocardiogram (ECG), Urinalysis at iba pa.

Kabilang din sa benepisyo ng nasabing programa ang libreng cancer screening tests tulad ng mammogram, breast ultrasound, low dose chest CT scan, colonoscopy, liver ultrasound, at Alpha fetoprotein na maaaring magamit sa mga piling ospital tulad ng MMG Hospital, Maria Estrella General Hospital, at Luna Goco Medical Center sa pamamagitan ng referral na ibibigay ng YAKAP doctors matapos magpakonsulta.

Nakapaloob din sa YAKAP ang pagbibigay ng hanggang Php20,000.00 halaga ng mga gamot kada taon para sa bawat benepisyaryo sa pamamagitan ng Guaranteed and Accessible Medications for Outpatients (GAMOT) Program na makukuha sa 42 GAMOT Facilities sa lalawigan.

Maaari itong magamit sa pagkuha ng 21 na basic medication sa YAKAP facilities at karagdagang 54 na mga medikasyon mula sa GAMOT facilities.

Lubos naman ang panawagan ni CSI Officer Reganit sa publiko na maglaan ng oras na magpakonsulta kada taon upang masigurong napapangalagaan ang kalusugan ng bawat miyembro ng pamilya.

Kabilang ang programang ito sa inisyatiba ng pamahalaan na maibigay ang abot-kaya at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa mga mamamayan na nangangailangan ng gamutan ngunit walang kakayahang makapagpaospital.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1AYyxgg63L/

Scroll to Top