Dalawang babaeng kawani ng PGOM, nakatakdang maging full-pledge na hepe ngayong Women’s Month

March 2, 2026 | News by PISD

๐——๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฒ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป, ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ธ๐—ฑ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ณ๐˜‚๐—น๐—น-๐—ฝ๐—น๐—ฒ๐—ฑ๐—ด๐—ฒ ๐—ป๐—ฎ ๐—ต๐—ฒ๐—ฝ๐—ฒ ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ผ๐—บ๐—ฒ๐—ปโ€™๐˜€ ๐— ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ต

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan ngayong Marso, dalawang babaeng kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ang nakatakdang manumpa bilang bagong mga hepe ng Kapitolyo.

Ito ang kinumpirma ni Gobernador Humerlito โ€œBonzโ€ A. Dolor bilang pagkilala kina ๐—”๐˜๐˜๐˜†. ๐—™๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ต๐—ฒ๐˜€๐—ธ๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ฎ๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—Ÿ. ๐—™๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป bilang bagong Provincial Legal Officer at ๐—Ÿ๐—ถ๐—น๐˜† ๐— ๐—ฎy ๐—˜. ๐—Ÿ๐—ถ๐—บ bilang bagong Provincial Government – Environment and Natural Resources Officer sa kanilang natatanging galing, talino, sigasig at malaking ambag sa pagsusulong ng mga programa at proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan para sa mga mamamayan.

Ang promosyong ito ay hindi lamang nagpapakita ng kanilang personal na paglago at tagumpay kundi pati na rin ng patuloy na pagsusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Women Empowerment. Sa larangan ng pamamahala, simbolo rin ito ng mataas na pagpapahalaga ng Pamahalaang Panlalawigan sa malaking ambag at kontribusyon ng mga kababaihan sa pag-unlad ng lalawigan ng Oriental Mindoro.

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1AcwHF6Fr6/

Scroll to Top