February 28, 2026 | News by PISD

𝐏𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐊𝐨𝐨𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐛𝐚 𝐚𝐭 𝐓𝐞𝐜𝐡𝐧𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐯𝐞𝐧𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐥𝐮𝐠𝐚𝐲 𝐅𝐚𝐫𝐦𝐞𝐫𝐬 𝐀𝐠𝐫𝐢𝐜𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐞 𝐂𝐨𝐨𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐯𝐞, 𝐈𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐠𝐬𝐚𝐧𝐢𝐛 𝐧𝐚 𝐀𝐤𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐋𝐆𝐔, 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐬𝐢𝐩𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐒𝐨𝐜𝐨𝐫𝐫𝐨 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐥𝐚𝐥𝐚𝐰𝐢𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐎𝐫𝐢𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐌𝐢𝐧𝐝𝐨𝐫𝐨
Malugay, Socorro, Oriental Mindoro – Isinagawa ang General Assembly ng Malugay Farmers Agriculture Cooperative (MALFACO) bilang bahagi ng pagpapalakas at pagsasaayos ng pamamahala at organisasyonal na sistema ng kooperatiba, sa pinagsanib na suporta ng Barangay LGU ng Malugay, Municipal Cooperative Development Office (MCDO) ng Socorro, at Provincial Cooperative Development Office (PCDO).
Pormal na nagsumite ng kahilingan ng assistance ang kooperatiba sa MCDO ng Socorro sa pamumuno ni 𝐌𝐬. 𝐆𝐞𝐫𝐚𝐥𝐝𝐢𝐧𝐞 𝐏. 𝐃𝐢𝐦𝐚𝐮𝐧𝐚𝐡𝐚𝐧, at sa pamamagitan ng kanilang koordinasyon ay naipaabot ang kahilingan sa PCDO upang mabigyan ng kinakailangang technical assistance para sa pagsasaayos ng kanilang organisasyon. Ang pagsasagawa ng General Assembly ay alinsunod sa napagkasunduang intervention noong Pebrero 13, 2026, sa unang pagtugon ng MCDO Socorro at PCDO sa hiling ng kooperatiba.
Sa naturang General Assembly, tinalakay at inaprubahan ang minutes ng nakaraang pulong at isinagawa ang presentasyon ng ulat ng Board of Directors. Pinag-usapan ang pagpapalakas ng governance structure, pag-oorganisa ng mga mandatory committees, pagbuo at pagpapatibay ng mga kinakailangang polisiya, pagpapatatag ng Cooperative Development Plan (CDP), at pagsasaayos ng internal control at financial management systems bilang pundasyon ng isang maayos at sustainable na kooperatiba.
Sa parehong pagpupulong ay nagbigay ng ulat ang Chairperson ng MALFACO na si Ms. 𝐋𝐮𝐢𝐬𝐚 𝐏. 𝐃𝐞𝐥𝐚 𝐂𝐫𝐮𝐳 at ang General Manager na si Sir 𝐃𝐨𝐦𝐢𝐧𝐚𝐝𝐨𝐫 𝐕. 𝐑𝐞𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚𝐝𝐨 𝐉𝐫. hinggil sa kasalukuyang operasyon at mga hakbang na isinasagawa para sa pagpapatatag ng kooperatiba.
Samantala, ang PCDO, sa ilalim ng Provincial Government of Oriental Mindoro (PGOM) sa pamumuno ni Governor 𝐇𝐮𝐦𝐞𝐫𝐥𝐢𝐭𝐨 𝐀. 𝐃𝐨𝐥𝐨𝐫, sa pangunguna ni Mr. 𝐎𝐫𝐥𝐚𝐧𝐝𝐨 𝐁. 𝐓𝐢𝐳𝐨𝐧, PGDH-PCDO, kasama sina Ms. 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐜𝐫𝐢𝐬 𝐁. 𝐂𝐚𝐩𝐢𝐧𝐨, Ms. 𝐌𝐚𝐥𝐞𝐧𝐞 𝐂. 𝐍𝐚𝐜𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥, Ms. 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐛𝐞𝐥 𝐌. 𝐅𝐨𝐧𝐭𝐚𝐧𝐢𝐥𝐥𝐚, at Mr. 𝐋𝐞𝐨𝐜𝐫𝐢𝐬 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐢𝐠, ay nagkaloob ng technical assistance sa pamamagitan ng pagbibigay ng gabay sa pagpapalakas ng governance at management systems. Nagsagawa rin ang tanggapan ng on-site printing ng identification cards ng mga miyembro at pagpi-print ng standardized membership forms, gayundin ang pagkakaloob ng opisyal na tarpaulin na naglalaman ng pangalan ng kooperatiba, logo, CDA registration number, TIN, at opisyal na address bilang bahagi ng pagpapatatag ng institusyonal na pagkakakilanlan ng MALFACO.
Sumuporta rin ang Barangay LGU ng Malugay sa pangunguna ni Kapitan 𝐇𝐨𝐧. 𝐑𝐞𝐛𝐞𝐜𝐜𝐚 𝐌. 𝐌𝐞𝐧𝐝𝐨𝐳𝐚 sa aktibidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng lugar at pakikiisa sa layunin ng pagsasaayos at pagpapatatag ng kooperatiba, habang ang MCDO ay patuloy na nagsisilbing pangunahing tagapag-ugnay sa pagitan ng kooperatiba at ng PCDO.
Sa pamamagitan ng koordinadong aksyon ng Barangay LGU, Munisipyo ng Socorro, at Pamahalaang Panlalawigan, nailatag ang mahahalagang hakbang tungo sa mas organisado, matatag, at pangmatagalang sustainable na operasyon ng Malugay Farmers Agriculture Cooperative para sa kapakinabangan ng mga kasapi at ng komunidad.
Source: https://www.facebook.com/share/p/1CLqoNQJJK/?mibextid=wwXIfr
