February 26, 2026 | News by PISD

๐ ๐ฎ๐ต๐ถ๐ด๐ถ๐ ๐ฃ๐ต๐ฝ. ๐ฎ.๐ฐ๐ ๐๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐๐๐ฎ๐น, ๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐น๐ผ๐ผ๐ฏ ๐๐ฎ ๐ถ๐ฏ๐ฎโ๐ ๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐, ๐ฝ๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ฎ๐๐ผ๐๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ถ๐ด๐ฎ๐ป
26 Pebrero 2026, Lungsod ng Calapan – Mahigit Php. 2.4M tulong pinansyal ang kabuuang halagang ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan sa 20 mga barangay, paaralan, asosasyon at kooperatiba sa lalawigan ng Oriental Mindoro ngayong ika-26 ng Pebrero.
Pinangunahan ni Gobernador Humerlito โBonzโ A. Dolor ang pamamahagi ng tulong pinansyal, kasama sina Senator Erwin Tulfo, Bise Gobernador Antonio CA Jojo S. Perez Jr. at mga miyembro ng 12th Sangguniang Panlalawigan.
Lubos ang naging pasasalamat ng mga kinatawan ng mga tumanggap ng tulong mula sa Pamahalaang Panlalawigan.
Samantala, higit pang ikinatuwa ng mga dumalo ang naging mensahe ng patuloy na pagsuporta ni Sen. Tulfo sa lahat ng sektor ng lalawigan. Sa kanyang mensahe, inihayag niya ang kanyang planong maglaan ng Php. 500M pondo para sa mga pagawaing proyekto o programa na matutukoy na prayoridad ng lalawigan.
