February 26, 2026 | News by PISD

Hindi tayo makakalimot…
Tulad ng sinabi ko noon, matapos ang pagsisigurado sa kaligtasan ng mamamayan at kalikasan, Pamahalaang Panlalawigan naman ang maniningil.
Matapos ang tatlong taon nang lumubog ang MV Princess Empress, ngayong araw ay pormal na tayong naghain ng complaint para sa pag claim ng mga danyos ng Pamahalaang Panlalawigan sa Office of the Clerk of Court.
