February 26, 2026 | News by PISD

DAAN PARA SA TRABAHO SA MAS NAKARARAMI, BINUKSAN!
Binuksan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro ang daan para sa karagdagang oportunidad ng mga mamamayan ng lalawigan na magkaroon ng trabaho sa pamamagitan ng pagpapalakas ng ugnayan sa lalawigan ng Laguna at Cavite mula 23 hanggang 25 ng February 2026.
Sa ginanap ng benchmarking activity ng Provincial PESO, kasama ang City College of Calapan, noong 23 – 25 February, nagkaroon sila ng makabuluhang talakayan kina Ms. Mary Jane B. Corcuera, Laguna PPESO Manager, at Ms. Rizalie P. Enero, Cavite Provincial PESO Manager, at sa pamunuan ng Philippine Association of Legitimate Service Contractors (PALSCON), EEI Corporation Training Academy, EDS Manufacturinhg, Inc. (Yazaki), at Ryonan Electronics Company.
Ang inaasahang bunga ng aktibidad na ito ay ang pagbubukas ng daan ng pagtutulungan ng tatlong PESO at pagsasanay-para-sa-trabaho sa mga kumpanya sa Cavite at Laguna.
Serbisyong lapat sa tao, tapat sa serbisyo ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gov. Humerlito A. Dolor!
